Ang PhotoScan ay isang scanner app mula sa Google Photos na nagbibigay-daan sa iyo na i-scan at i-save ang mga paborito mong naka-print na larawan gamit ang camera ng iyong telepono.
Magandang larawan at walang glare
Huwag lang basta kumuha ng larawan ng isang larawan. Gumawa ng mga pinagandang digital na pag-scan, nasaan man ang iyong mga larawan.
– Makakuha ng mga pag-scan na walang glare gamit ang madaling paraang may sunud-sunod na hakbang sa pagkuha ng larawan
– Awtomatikong pag-crop batay sa pagtukoy sa mga gilid
– Mga diretso at parihabang pag-scan na ginagawang tama ang perspective
– Smart na pag-rotate, para manatiling nakatayo sa tamang anggulo ang iyong mga larawan paano mo pa man na-scan ang mga ito
Mag-scan sa loob lang ng ilang segundo
Kunan ang iyong mga paboritong naka-print na larawan sa mabilis at madaling paraan, para kaunting oras lang ang gugugulin mo sa pag-edit at mas maraming oras sa pagtingin sa hindi magandang gupit mo noong kabataan.
Ligtas at nahahanap sa Google Photos
I-back up ang iyong mga pag-scan gamit ang Google Photos app para mapanatiling ligtas, nahahanap, at nakaayos ang mga ito. Bigyang-buhay ang iyong mga na-scan gamit ang mga pelikula, filter, at advanced na kontrol sa pag-edit. At ibahagi ang mga ito sa kahit na sino, sa pamamagitan lang ng pagpapadala ng link.
Na-update noong
Hul 24, 2023